3.05.2006

Weekend na! UPDATE DAY!

Ok...so, ganito yung nangyari...binigay na ni Ma'am Magtibay yung report card noong...uh, Tuesday. Dapat kasi noong Friday pa niya bibigay yun, eh walang pasok. Wala ring pasok noong Monday. Kaya noong Tuesday, habang busy ang lahat sa pag-prapraktis ng speech choir at tna-try ko rin praktisin yung piano pieces ko kahit maingay, biglang pumasok si Ma'am Magtibay sa room at isa-isa niyang binigay ang report card.

Ang sungit ni Ma'am noon! Ang sungit sungit sungit! Ang sungit niya to the 10th power! Waaaaah! Tapos alam niyo ba, nasabi ko na ba sa inyo na masungit ngayon si Ma'am? Waaaaaah!

Dati, si Ma'am Magtibay ang isa sa mga favorite teachers ko, kahit ayoko ng Algebra...pero ngayon, unti-unti ng nawawala yung tiwala ko sa kanya...paiba-iba siya kasi ng ugali eh...tapos ayoko kasi sa mga tao na hindi kayang i-accept ang ibang tao whether yung mga taong yun ay maganda o pangit, matalino o hindi...

Para kasing tuwing hindi namin na-mimeet yung expectations niya, ibang section yung tinuturing niyang advisory class...katulad ng Edison...no one can deny na magaling sa Math ang mga Edisonians (in fact, ang taas-taas ng grades ni EJ sa algeb nung Curie-1 pa kami.)...no one can deny na most of the time, mas masipag ang mga Edisonians kaysa sa amin, kahit na ba mas mataas yung section namin...pero ganoon naman talaga diba?

Bakit hindi niya kayang mahalin kami for what we are? Bakit hindi niya kayang i-appreciate yung mga good things about us? Bakit ganoon? Lagi na lang yung mga bad traits ng tao ang nakikita at napapansin, tapos kapag wala na yung taong yun...doon mo lang ma-rerealize lahat ng mga ginawa niyang maganda. Paano pag wala na kami? Kapag third year na at iba na ang mga teachers namin? Malapit na nga yun eh...

Doon lang ba ma-rerealize ni Ma'am ang tunay naming halaga?

WOW! Ang drama ng sinulat ko! Oh my goodness...hindi ko yun masasabi kapag oral...kasi shy talaga akong tao...kaya dinadaan ko na lang sa tawa ang lahat, ayoko kasing malaman ng iba yung nararamdaman ko...kaya nga kilala ko ng mga tao sa labas lang...kilala lang nila yung mga halakhak ko at ang pagiging O.T. ko...pero beneath that...ewan...wala sigurong nakakaalam kung sino talaga ako. Oh well.

Anyway...pag-uwi ko, akala ko talaga papagalitan ako ng Papa ko. Tnxt ko siya at sinabi ko na may sasabihin ako sa kanya...bumaba na kasi ako...as in...alam ko na na mangyayari yun kayalang kayalang...haaay....kaya puro "sana" yung mga sinasabi ko sa mga dati kong posts. Sana hindi mangyari...ang mangyayari...pero hindi naman ako bumagsak...at iyon ang importante, lalo na para kay Papa.

Hindi siya nagalit noong sinundo niya ako ng gabi (dali ko kasi yung piano, eh di ako masusundo ni Ma.) Nakinig lang kami ng news sa am radio at sinabi lang ni Pa na mas aralin ko yung mga subjects na mahina ako. Tapos, nilibre pa niya ako ng ice cream. Wow...anyways, hindi ko na susulat ang details dito kasi magsusulat naman ako ng article tungkol dito para sa magazine namin sa journ.

Nagkaroon ng D.A.T. noong Thursday. Hindi ako masyadong nakapag-prepare kasi noong Monday lang sinabi sa amin na may ganoon pala. Si Sir Bitangcor pa nga yung nagsabi sa amin na may ganoon pala. Akala ko, N.A.T. lang ang meron. Di ako sure kung part yun ng card grade namin or yung N.A.T. lang yun. Yung ibang teachers sinasabi 15% daw yun ng card grade namin, yung iba, sinasabi, recorded pero part lang ng long test grade namin which is mga 10% ng card grade. Ewan. Eh, noong Wednesday ko lang nalaman na sa Thursday na pala. Hmph!

Panghapon ako so mga 1pm ako nakarating. Di na ako nakakain sa McDo kasi dapat sabay kami ni Fen. Nag-commute lang kasi ako kasama ko si Ate Judith eh, tapos ang daming stopover noong jeep. Kaya yun.

Noong hapon na, pagkatapos kong mawindang sa Algebra dahil may mga ilang questions doon na hindi pa namin napag-aaralan, kumain kami sa KFC! Nakakain na rin ako sa wakas! Tapos sinamahan namin sina Carla sa CS...nag-photo hunt sila...pero nanood lang ako kasi hindi talaga ako mahilig sa mga ganyanan...gusto ko, gumawa ng bloggie at maglaro ng ever-classic game na Chip's Challenge ng Microsoft. Wheeeee! Haha...

Anyway, ordinary day lang kinabukasan, except na nanakaw yung funds namin sa speech choir. 1,000+ yun at sayang na sayang talaga. Hinala ng karamihan, kaklase namin yung kumuha. Maraming nakawang nangyayari ngayon sa batch. Pero kung sino man yun, naaawa talaga ko kasi hindi ko ma-imagine kung bakit niya o nila gagawin yun except kung grabe yung reason, so baka, medyo gipit talaga sila ngayon at nahihiya lang silang humingi ng tulong sa iba. O kaya, baka kasi klepto sila (as in yung sakit na klepto hindi yung term lang)...so dapat silang ipatingin sa psychologist or something para hindi nila gagawin ulit yun.

Haaaay... baka magsulat din ako ng something tungkol dito. Ang dami pang gagawin grabe!

Polishing at music na lang kami sa speech choir pero kahit na.

Next time na lang ako mag-popost. Eto na muna for now. Nakakatamad din eh. Pagod kasi ako.

Tapos na ang phase 1 ng mga problema ko...phase 2 naman.

Ang sandamukal na projects na i-denescribe ko sa inyo sa aking previous post, at ang N.A.T.!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home